JSAP


  • HOME
  • ABOUT
  • NEWS / EVENTS
  • BLOG
  • RESOURCES
  • FEATURES
  • GALLERY
  • MEMBERSHIP

Dawat



by Ivy Deenise Aguilar



Gaano nga ba kalambot ang iyong higaan? Komportable ka ba sa posisyon mo? kumain ka ba ng madami? Magkano ba ang kinikita mo? Marahil ay may maisasagot ka sa mga katanungan na iyan ngunit sa kabilang mundo ng kapwa mo ay tila ba wala ng kasagutan.


Sa araw araw na nangyayare sa buhay natin ay may mga karanasan tayo, may mga dagok na dumadating at agkatapos naman ay may biyaya na kasunod. Tulad na lamang kung tayo ay nakakapasyal at nakakatapak sa magagandang lugar, nakakatikim ng masasarap na pagkain o kaya naman ay natanggap ka sa trabaho, pag dating ng sahod, makakabili ng magagarbong damit, iilan lamang ito sa mga biyaya na natatanggap ng mga ordinaryong tao ngunit may mga araw na mawawala din ng panandalian ang mga ito saiyo. Sa kabilang mundo ng mga problemang ito, may mga taong masaya na sa tira-tirang pagkain mo, ang barya mo ay nagsisilbing sahod nila sa isang buong araw, o kaya naman ang mga damit mo na basahan na ay magarbong damit naman para sakanila. Ang kawalan mo minsan ay biyaya naman para sa mga taong walang kasaganahan.


Nagtitiis sa tanghaling mainit upang mang hingi ng barya, langhap-langhap ang napakaduming hangin, iniinda ang sakit sa paa, rinig nila ang kalam ng tiyan ngunit ang tanging kakainin na lamang ay ang pagtitiis. Minsan ang mundo ng mga tao ay magkakaiba, Ang paghihirap ng karamihan ay biyaya naman para iba at ang biyaya naman ng iba ay ang paghihirap ng karamihan.



JSAP